1080
1080_BackCover

Sariling Talambuhay ng isang Yogi – Filipino

Author:
Paramahansa Yogananda
Format:
Papel na pabalat
Product Code:
1080
ISBN:
978-0-87612-599-1
Language:
Filipino
Price:

$25.00

Orders handled by Amazon.com

upang makabili, i-klik ito

 

Autobiography of a Yogi (Filipino)

Description

Pinangalanang isa sa 100 pinaka-magandang espirituwal na aklat ng ikadalawampung siglo, ang kapansin-pansin pagsalaysay ng buhay ni Paramahansa Yogananda ay dadalhin ka sa hindi malilimutang pagsasaliksik sa daigdig ng mga banal at mga yogi, siyensiya at mga himala, kamatayan at pagkabuhay-muli. May pagbibigay-kasiyahan sa kaluluwa, talino, at kagiliw-giliw na pagpapatawa, binibigyan niya ng liwanag ang pinaka-malalim na lihim ng buhay at ng sandaigdig, binubuksan ang ating mga puso at mga isip sa tuwa, ganda, at walang hanggang maaring pangyayaring espirituwal na nasa bawat buhay ng bawat taong nilalang.

Itong kumpletong pagkalimbag — na maaari lamang makuha sa Self-Realization Fellowship, ang kapisanang itinatag ng may-akda — ay siya lamang nagsama-sama ng lahat ng kanyang mga kahilingan para sa panghuling paglilimbag, kasama ang maraming mga bagay na kanyang idinagdag pagkatapos ng orihinal na 1946 na edisyon.

About the author

Paramahansa Yogananda (1893-1952) ay malawakang kinikilala bilang isa sa pinaka-tanyag na taong espirituwal sa ating panahon. Ipinanganak sa hilagang bahagi ng India, dumating siya sa Estados Unidos noong taong 1920, kung saan sa mahigit na tatlumpung taon, ay itinuro niya ang sinaunang pilosopiya at siyensiya ng meditasyong yoga ng India at ang sining ng balanseng pamumuhay espirituwal. Siya ang unang dakilang maestro ng yoga na namuhay at nagturo sa Kanluran ng mahabang panahon, siya ay naglakbay at nagturo ng malawakan sa buong North America at karatig na mga bansa, nakipagpanayan sa maraming tagapakinig sa malalaking mga siyudad at inihayag ang saligang pagkakaisa ng mga dakilang relihiyon ng mundo. Nakapagbigay siya ng inspirasyon sa milyong mga tao sa pamamagitan ng ipinagbunying salaysay ng kanyang buhay, ang Autobiography of a Yogi (Sariling Talambuhay ng isang Yogi), ang kanyang panimulang mga komentaryo sa mga banal na kasulatan ng Silangan at Kanluran, at ang kanyang maraming iba pang mga akda. Ang mga gawaing pang-espirituwal at pang-sangkatauhan ni Paramahansa Yogananda ay ipinagpapatuloy sa kasalukuyan ng Self Realization Fellowship, ang kapisanang pandaigdig na kanyang itinatag noong taong 1920 upang palaganapin ang kanyang mga pagtuturo sa buong mundo.

You might also like

You may also like…

Editorial reviews