Description
Kapag ang sukatan mo
ng tagumpay ay
ang kalidad ng iyong buhay
sa halip na pagsasakatuparang materyal lamang, samakatwid ang walang-katapusang karunungan ng aklat na ito ay tuwirang makikipagusap sa iyong puso at kaluluwa. Sa loob ng limampung taon, itong klasikong nakapagbibigay-siglang gabay ay nakatulong na sa daang daang-libong mga tao upang malagpasan ang mga hadlang at anyayahan ang ganap na iba’t ibang mga tagumpay sa kanilang mga buhay.
About the author
Paramahansa Yogananda (1893-1952) ay malawakang kinikilala bilang isa sa pinaka-tanyag na taong espirituwal sa ating panahon. Ipinanganak sa hilagang bahagi ng India, dumating siya sa Estados Unidos noong taong 1920, kung saan sa mahigit na tatlumpung taon, ay itinuro niya ang sinaunang pilosopiya at siyensiya ng meditasyong yoga ng India at ang sining ng balanseng pamumuhay espirituwal. Siya ang unang dakilang maestro ng yoga na namuhay at nagturo sa Kanluran ng mahabang panahon, siya ay naglakbay at nagturo ng malawakan sa buong North America at karatig na mga bansa, nakipagpanayan sa maraming tagapakinig sa malalaking mga siyudad at inihayag ang saligang pagkakaisa ng mga dakilang relihiyon ng mundo. Nakapagbigay siya ng inspirasyon sa milyong mga tao sa pamamagitan ng ipinagbunying salaysay ng kanyang buhay, ang Autobiography of a Yogi (Sariling Talambuhay ng isang Yogi), ang kanyang panimulang mga komentaryo sa mga banal na kasulatan ng Silangan at Kanluran, at ang kanyang maraming iba pang mga akda.
Ang mga gawaing pang-espirituwal at pang-sangkatauhan ni Paramahansa Yogananda ay ipinagpapatuloy sa kasalukuyan ng Self Realization Fellowship, ang kapisanang pandaigdig na kanyang itinatag noong taong 1920 upang palaganapin ang kanyang mga pagtuturo sa buong mundo.